COVID-19 growth rate sa HUCs sa labas ng NCR Plus, patuloy na bumibilis – OCTA

Bumibilis pa rin ang pagtaas ng lingguhang kaso ng COVID-19 sa Highly Urbanized Cities (HUCs) sa labas ng National Capital Region (NCR) Plus.

Sa kanyang Twitter, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na habang bumabagal ang growth rate sa Metro Manila at karatig-probinsya ay bumibilis naman ito sa maraming lugar sa labas ng NCR Plus.

Batay sa datos ng OCTA, nakapagtala ng pinakamataas na growth rate mula January 12 hanggang 18 ang Tacloban na pumalo sa 469%.


Sinundan ito ng Cebu, 378% at Davao na may 305%.

Nanguna rin ang Tacloban sa may pinakamataas na reproduction number hanggang noong Enero 15 na nasa 4.59 sinundan ng Cebu City (4.51) at Baguio City (4.28).

Bumaba naman sa 2.07 ang bilis ng hawaan ng COVID-19 sa NCR pero nananatiling severe ang antas ng average daily attack rate (ADAR) nito na nasa 111.47.

Gayundin ang Baguio City na may ADAR na 130.56.

Facebook Comments