COVID-19 growth rate sa NCR, nasa -19% na lang – OCTA

Lalo pang bumaba ang COVID-19 growth rate sa National Capital Region (NCR).

Sa datos ng OCTA Research Group, nasa -9% na lamang ang one-week growth rate sa NCR na ngayon ay nasa 845 na lamang kahapon mula sa 1,173 naitala noong nakaraang linggo.

Bahagya ring bumaba sa 8.14 per 100,000 population ang average daily attack rate (ADAR) mula sa 8.70 noong August 14.


Habang ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila ay bumaba na rin sa 1.03 noong August 14 mula sa 1.18 noong August 7.

Mula naman sa 17.1% na positivity rate noong August 9 ay bumaba na rin ito sa 15.7% noong August 16.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, kung magtutuloy-tuloy ay posibleng nasa 500 na lamang ang arawang kasong maitatala sa rehiyon pagsapit ng katapusan ng Agosto o sa umpisa ng Setyembre.

Sa kasalukuyan, nasa moderate risk pa rin ng COVID-19 ang NCR.

Facebook Comments