COVID-19, hanggang 28 araw kayang mabuhay sa mga pera, cellphone at stainless steel

Nabubuhay ang coronavirus sa mga pera nang hanggang 28 araw.

Ito ay base sa pag-aaral ng Commonwealth Scientific and Industrial Research Organization (CSIRO), ang national science agency ng Australia.

Bukod sa pera, lumabas din sa kanilang pag-aaral na pwedeng manatili ang virus nang ganoong katagal sa mga screen ng cellphones at stainless steel na nasa room temperature na 20 degrees celsius.


Kaya payo ng mga eksperto, ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig at maglagay ng alcohol para makaiwas sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments