Maaari na ang pagbabakuna sa A4 Priority Group sa Region 1 na itinuturing na high risk area base sa inilabas ng Regional Epidemiology Surveillance Unit na aprubado ng Regional Vaccination Operations Center.
Ang risk classification ng mga Local Government Unit ay nakabase sa data ng RESU kung saan ang mga lugar ay nakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID19.
Kabilang sa mga natukoy na lugar na maaari ng magsimula sa pagbabakuna sa A4 sa lalawigan ng Pangasinan ay ang Bolinao, Labrador, Laoac, Mabini, San Manuel, San Nicolas, Alaminos City, Urdaneta City, San Carlos City, at Dagupan City.
Natukoy din naman sa Probinsya ng La Union ang labing apat na bayan at ang siyudad ng San Fernando na nauna ng nagsimula sa pagbabakuna sa kabilang sa A4 matapos makita na tumaas ang aktibong kaso ng indibidwal mula sa working group sector.
Sa Ilocos Sur naman ay labing pitong bayan at dalawang siyudad na kinabibilangan ng Candon City at Vigan City. Walong bayan at dalawang siyudad naman din ang pinayagan ng magturok ng bakuna sa A4 sa Ilocos Norte.
Samantala, ipinaalala naman sa mga LGUS na mangangasiwa sa pagbabakuna sa A4 Priority Groups na hindi maaaring ma-disregard ang Priority A1 hanggang A4.