COVID-19, hindi kabilang sa top 10 na dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas ayon sa PSA

Hindi kabilang ang COVID-19 sa pangunahing dahilan ng pagkamatay ng maraming Pilipino sa kabila ng matinding takot na dulot ng virus.

Ang COVID-19 na siyang kinatatakutang ngayon ay wala sa top 10 ng mga dahilan ng kamatayan ng mga Pinoy noong nakaraang taon.

Ito ay batay sa resulta ng survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) matapos ang survey noong nakaraang taon.


Base sa datos ng PSA, ang sakit sa puso ang siyang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga Pinoy noong 2020 kung saan pumalo sa 99.7 thousand o 17% ang mga namatay.

Pumangalawa naman ang sakit na cancer kung saan umabot sa 10.8 thousand ang namatay o katumbas ng 10.8%.

Pangatlo ang cerebrovascular disease kung saan 10.4% o katumbas ng 59.7 thousand ang mga namatay.

Facebook Comments