COVID-19, huwag maliitin ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr.

Mahigpit pa rin ang paalala ni National Task Force COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. sa publiko na huwag mamaliitin ang COVID-19.

Ang paalala ay ginawa ng opisyal dahil sa dami ng mga nahuhuling lumalabag sa umiiral na Enhance Community Quaratine.

Giit ni Galvez, dapat na manatili pa rin sa bahay ang lahat nang hindi exempted sa ipinatutupad na ECQ.


Dapat na matuto tayo sa nangyayari ngayon sa US at iba pang European countries na dumami ang namatay dahil sa COVID-19 matapos na maliitin ang virus.

Giit ni Galvez, wala pa rin gamot sa COVID-19 kaya mahalagang mahigpit na sundin ang mga protocol katulad ng pananatili sa bahay, social distancing, magsuot ng face mask at panatilihin ang kalinisan sa katawan at kapaligiran.

Facebook Comments