COVID-19 ICU at ward beds, nananatiling nasa ‘high risk’ category

Mataas pa rin ang COVID-19 bed utilization capacity sa buong bansa .

Batay sa bulletin ng Department of Health (DOH), 75% sa 4,200 ICU beds at 73% ng 15,800 COVID-19 ward beds sa bansa ang kasalukuyang ginagamit ng mga COVID-19 patient.

Habang 73% ng 1,400 ICU beds at 73% ng 4,400 ward beds sa Metro Manila ang nananatiling okupado.


Dahil dito, nasa kategoryang ‘high risk’ pa rin ang bed utilization capacity dahil sa nararanasang COVID-19 surge bunsod ng coronavirus Delta variant.

Facebook Comments