COVID-19 ICU beds sa mga ospital sa bansa, nananatili sa high risk level – DOH

Nananatili sa ‘high risk’ level ang mga intensive care unit (ICU) bed sa mga ospital bansa para sa mga pasyente ng COVID-19.t

Batay sa huling datos ng Department of Health (DOH), okupado pa rin ang 75% ng 4,100 ICU beds.

73% ito ng kabuuang 1,400 kama sa National Capital Region (NCR).


Samantala, umabot na sa 72% ng 15,500ward beds sa bansa ang nagamit na.

Umabot naman sa 58% ng 3,300 mechanical ventilators ang nagamit kung saan 62% ng 1,200 ay nasa National Capital Region (NCR).

Facebook Comments