COVID-19 immunity study, welcome sa WHO

Magandang balita para sa World Health Organization (WHO) ang isang pag-aaral sa Britanya kung saan ang mga taong nagkaroon ng COVID-19 ay hindi dadapuan ng naturang sakit o nagkakaroon na ng immunity sa loob ng anim na buwan.

Ayon kay WHO Emergency Expert Mike Ryan, lumalabas lamang sa pag-aaral na nagkakaroon ng immune reponse ang katawan ng tao sa virus.

Aniya, nagbibigay ito ng pag-asa para sa mga binubuong bakuna.


Paglilinaw naman ni WHO Technical Lead on COVID-19 Maria Van Kerkhove, kailangan pa ring tutukan ang mga indibidwal para malaman kung gaano kahaba o tumatagal ang immunity.

Facebook Comments