COVID-19 immunization plan, inilatag ng vaccine czar

Inilatag ni National Task Force against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang ‘Philippine National Vaccine Roadmap.’

Ito ay ang seven-point immunization plan ng pamahalaan para mawaksi ang banta ng COVID-19.

Ang seven major stages ng immunization plan ay ang sumusunod:
1. Scientific Evaluation
2. Access and Acquisition
3. Procurement process
4. Production, Shipment and Storage
5. Distribution and Deployment
6. Implementation and Nationwide Vaccination
7. Assessment, Evaluation and Monitoring


Ayon kay Galvez, ang initial phase ng plan ay ipatutupad ngayong buwan hanggang Marso ng susunod na taon kung saan inaasahang magiging available ang potential vaccine.

Ang una at ikalawang bahagi ng plano ay makukupleto ngayong buwan hanggang Disyembre.

Sa huling kwarter ng taon, ang NTF on COVID-19 vaccination at experts panel ay dapat naka-organize.

Target umpisahan ang ikatlo hanggang ikapitong bahagi ng immunization plan sa first quarter ng 2021.

Mayroong 10 vaccine contenders sa bansa sa ngayon, walo ay mula sa COVAX facility.

Bilang isang vaccine czar, magsisilbi siyang ‘milestone gatekeeper,’ ‘integrator’ at ‘synchronizer’ ng lahat ng ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa COVID-19 response.

Umaasa si Galvez na magiging available na ang bakuna bago matapos ang 2020 o maaga ng 2021.

Nakatakdang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang roadmap ngayong linggo.

Facebook Comments