COVID-19 infected healthcare workers, sumampa na sa higit 15,000 – DOH

Umabot na sa 15,662 healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

15,047 sa mga ito ang gumaling na kaya 533 na lamang ang aktibong kaso habang 82 naman ang pumanaw.

Kumakatawan ito sa 2.26 percent ng naitalang 693,048 COVID-19 case sa bansa noong Huwebes.


Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bumaba na ang bilang ng mga health worker na nagkakaroon ng COVID-19 noong Nobyembre 2020 pero muli itong tumaas ngayong Marso.

Muli namang umapela ang DOH sa publiko na respetuhin ang priority list para sa pagbabakuna sa bansa at ilaan muna sa mga healthcare worker ang Coronavirus vaccine na laban sa virus.

Facebook Comments