COVID-19 infected healthcare workers, umabot na sa 2,741 – DOH

Sumampa na sa 2,741 ang bilang ng healthcare workers na nagkasakit ng COVID-19.

Sa datos ng Department of Health (DOH), mula sa nasabing bilang ay aabot sa 1,598 healthcare workers na ang gumaling, habang nananatili sa 32 ang namatay.

Nasa 1,111 medical workers ang active cases o sumasailalim sa treatment o quarantine.


Ang bilang ng healthcare workers na may COVID-19 ay 12% ng total infections sa buong bansa.

Facebook Comments