Generally flat ang COVID-19 infection rate sa Pilipinas.
Pero babala ng OCTA Research Group, ang intensive care units sa Davao at Iloilo ay napipintong mapunto.
Batay sa COVID Act Now Metrics, ang Pilipinas ay mayroong infection rate na 0.93, ibig sabihin patag ang trend.
Ang Metro Manila ay may infection rate na 0.84 kung saan nagkakaroon ng downward trend para sa mga bagong kaso.
Nakikitaan din ng flat trend sa Bacolod City na nasa 1.04 habang nagkakaroon ng bahagyang upward trend sa mga siyudad ng Cebu na may 1.30, Davao na may 1.36 at Iloilo na may 1.14.
Pagdating sa positivity rate, ang Pilipinas ay nasa 11% o “high level” kung saan ang Davao City ay nasa 16%, at Iloilo City na nasa 19%.
Samantala, ang Intensive Care Unit (ICU) utilization ng bansa ay nasa low level, pero sa Davao at Iloilo ay nasa lagpas 85%.