COVID-19 infections sa healthcare workers, bumababa na – DOH

Bumababa na ang naitatalang COVID-19 cases sa healthcare workers, patunay na mabisa ang mga bakuna.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakabatay ito sa mga ‘anecdotal’ reports na kanilang natatanggap mula sa mga ospital.

Aniya, halos lahat ng healthcare workers ay fully vaccinated na.


“We are getting these kinds of reports also from our other hospitals kung saan bumababa na po ang mga kaso na nagkakasakit na healthcare workers ngayon dahil most of them are fully vaccinated already,” sabi ni Vergeire.

Dahil dito, muling hinikayat ni Vergeire ang lahat na magpabakuna.

Kaugnay nito, sinabi ni Philippine General Hospital (PGH) Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario na bumababa na ang bilang ng medical frontliners na nagkakaroon ng COVID-19.

Ang mga health workers na tinamaan ng sakit matapos matanggap ng second dose ay nakaranas na lamang ng mild symptoms.

Facebook Comments