Bumagal na ang hawahan ng COVID-19 sa Quezon City mula noong buwan ng Marso.
Ito’y sa kabila ng patuloy na pagdagdag ng kaso ng COVID-19 kada linggo sa lungsod.
Sa inilabas na pinakahuling datos ng pamahalaang lungsod, mula sa 1,900% noong Marso, naging 10% na lang ang COVID-19 cases ngayong buwan ng Mayo.
Sa 142 barangay sa lungsod na may active cases ng COVID-19, 14 na barangay ang tinaguriang ‘high-risk’, 101 ay ‘moderate risk’ habang 27 naman ang tinaguriang ‘low-risk’.
Sa pinakahuling datos, 2,012 na ang kabuuang kumpirmadong COVID-19 cases sa lungsod base sa tala ng Department of Health (DOH).
May naitala pang 149 na gumaling kagabi.
Nasa kabuuang bilang na 773 na ang nakarekober.
Base sa huling datos ng City Health Department, wala na ring naidagdag na bagong nasawi at nanatili sa bilang na 169 ang kabuuang namatay.