Isa sa mga pangunahing dahilan pa rin ng pagkamatay ng mga Pilipino ngayong taon ang COVID-19.
Ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA), pang-anim ang COVID-19 sa mga sakit na ikinasasawi ng mga Pilipino para sa buwan ng Enero at Pebrero.
Pangunahin naman sa mga sakit na ito ay ang ischaemic heart diseases, cerebrovascular diseases, neoplasm o cancer, diabetis, at hypertensive diseases.
Base sa talaan ng PSA, aabot sa mahigit 3,000 Pilipino ang nasawi dahil sa COVID-19 sa unang dalawang buwan ng 2022.
Kabilang sa rehiyon na nakapagtala ng mataas na bilang ng nasawi dahil sa naturang sakit ay ang Metro Manila, CALABARZON, at Central Luzon, habang wala namang naitalang nasawi sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Facebook Comments