COVID-19, isa sa nangungunang dahilan ng kamatayan sa Pilipinas noong 2020

Aabot sa 30,140 o 4.9 percent ng total registered deaths sa Pilipinas noong 2020 ay dahil sa COVID-19.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang COVID-19 deaths ay mga datos na mula sa confirmed at probable cases.

Ang probable COVID-19 death ay ikapito sa nangungunang dahilan ng kamatayan sa bansa na may 20,840 deaths o 3.4% ng kabuoang bilang ng mga namatay noong 2020.


Para sa confimed COVID-19 cases, aabot sa 9,300 deaths o 1.5%.

Mula sa 17 rehiyon, ang National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng mataas ng bilang ng mga namatay sa COVID-19 na may 13,000 o 43.1% ng total COVID-19 deaths.

Ang tatlong nangungunang dahilan ng kamatayan sa bansa ay ang ischemic heart diseases na may 105,110 o17.1% ng total deaths sa bansa, neoplasms o cancer na may 66,180 deaths, at cerebrovascular diseases na may 64,100 deaths.

Facebook Comments