Covid 19 Isolation Center binuksan sa Shariff Aguak , Maguindanao

28

Pinangunahan mismo ni Shariff Aguak Mayor Engr. Marof Ampatuan ang pagbubukas ng Ligtas Covid 19 Isolation Center kahapon ng umaga. Bisita sa okasyon si Maguindanao Health Officer Dra. Elizabeth Samama at ilang mga opisyales mula sa ibat ibang ahensya,

Ang Ligtas Covid 19 Isolation Center ay may 28 bed capacity bukod pa sa may mga medical equipments at nasa ground lamang din ng Munisipyo ayon pa kay Anwar Emblawa, Information Officer ng LGU sa naging panayam ng DXMY.
Magmumula naman sa Rural Health ng LGU ang magsisilbing health personnel ng Isolation Center.


Sinasabing bukod sa mga umuuwing LSI at ROF na residente ng bayan , bukas rin ito para sa mga kalapit bayan dagdag pa ni Emblawa.
Patuloy naman ang pagpapaalala ng LGU Shariff Aguak sa kanilang mga kababayan na patuloy na mag-ingat at samahan sila para malabanan ang di nakitatang karamdaman.
LGU PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments