COVID-19 laboratories, mayroon pang natitirang higit 1,400 backlogs – DOH

Mayroon pang natitirang 1,400 backlogs sa mga COVID-19 licensed laboratories sa bansa.

Pero paglilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pagkakaiba sa pagitan ng bilang ng mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 at bilang ng kumpirmadong kaso na naiuulat kada araw ay hindi backlog.

Ang klaripikasyon ng Department of Health (DOH) ay kasunod ng pagkwestyon ng ilang netizens na nakasaad sa tracker ng ahensya na mayroon pa ring higit 10,000 backlogs pero inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa 1,000 na lamang ang natitira.


Dagdag pa ni Vergeire, patuloy ang automation at pagpapabuti ng data infrastructure ng DOH na makakatulong sa pagpapababa ng discrepancy sa pagitan ng positive individuals at confirmed cases.

Mula nitong June 30, ang Pilipinas ay mayroong 54 certified PCR laboratories at 20 GeneXpert laboratories habang 170 na iba pa ay sumasailalim sa accreditation process.

Sa huling datos ng DOH, 38,511 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, 10,438 ang gumaling, at 1,270 ang namatay.

Facebook Comments