COVID-19 laboratory equipment na binili sa China, nakarating na sa Pilipinas

Nasa bansa na ang mga Beijing Genomics Institute o BGI covid-19 laboratory equipment na binili ng pamahalaan mula sa China.

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Air Force na si Major Aris Galang, dumating sa Clark International Airport ang C-130 plane na siyang kumuha ng laboratory equipment sa Shenzhen, China kaninang alas-2:40 ng madaling araw.

Sa pahayag ng Department of Health (DOH), kaya ng naturang equipment na makagpagsagawa ng 45,000 COVID-19 test at maaari na itong magamit kapag natapos na ang set-up ng pito hanggang sampung araw.


Aabot sa $2.5 million ang halaga ng laboratory equipment kung saan nakuha ang pondo sa pamamagitan ng grant assistance ng Asian Development Bank.

Ang pagbili ng laboratory equipment ay upang mapalakas pa ng pamahalaan ang kapasidad pagsasagawa ng pagsusuri sa COVID-19.

Facebook Comments