COVID-19, malaking hamon sa healthcare system ng bansa – DOST

Nananatiling hamon sa healthcare system ng bansa ang COVID-19 partikular sa case-hospitalization ratio (CHR).

Batay sa pag-aaral na isinagawa ng mga scientists para alamin ang clinical characteristics at transmission patterns ng COVID-19 sa bansa, sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, 83.41% ng enrolled cases ay nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 infection.

Ang case fatality ratio ay nasa 2.84%, bahagyang mataas sa naitatalang national case fatality ratio na nasa 2.08% nitong February 16.


Ang pag-aaral ay may pinamagatang “Clinical Characteristics and Transmission Patterns of COVID-19 in Confirmed Cases and their Contracts in the Philippines” na isinagawa ni Dr. Mayan Lumandas ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM).

Suportado ng DOST-Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) ang pag-aaral na layong maintindihan ang COVID-19 transmission pattern, severity, spread, at spectrum ng sakit, at ang impact nito sa komunidad.

Facebook Comments