Mas malaki ang tyansa na maikalat o maipasa ang COVID-19 sa mga kasama sa loob ng bahay kumpara sa mga tao sa labas ng tahanan.
Batay ito sa pag-aaral ng South Korean Epidemiologist na inilabas sa US Centers for Disease Control and Prevention (CDC).
Ayon sa pag-aaral, dalawa sa 100 taong dinapuan ng COVID-19 ay nakuha ang virus sa labas ng kanilang bahay o non-household contacts.
Habang isa sa bawat 10 COVID-19 patient ang nakuha ang virus mula sa kanilang pamilya.
Facebook Comments