COVID-19 mass testing, gagawin sa 2 barangay sa San Juan City ngayong araw

Inihayag ni San Juan City Mayor Francis Zamora na gagawin sa dalawang Barangay sa San Juan City ang COVID-19 mass testing ngayong araw.

Aniya, ang dalawang lugar na ito ay sa basketball court ng Brgy. Pedro Cruz at Health Center ng Brgy. Balong Bato.

Magsisimula ang COVID-19 mass testing alas 9 ng umaga.


Prayoridad sa mass testing ang mga Person Under Investigation, Person Under Monitoring, Frontliners at lahat ng mga may sintomas ng COVID-19.

Kinakailangan lang daw na tumawag sa San Juan COVID-19 Hotline na 137-135 o di kaya sa mga numerong 0926-617-4363 o 0947-483-0478 para sa mga gustong mag pa-COVID test.

Facebook Comments