COVID-19 mass testing, gagawin sa tatlong barangay sa San Juan City ngayong araw

Nagpapatuloy ang pagsasagawa ng COVID-19 mass testing sa lungsod ng San Juan.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, ngayong araw gagawin ang COVID-19 mass testing para sa mga Persons Under Investigation (PUI), Persons Under Monitoring (PUM), frontliners at iba pang mga may sintomas ng COVID-19.

Isasagawa ang mga ito sa barangay hall ng Brgy. San Perfecto, basketball court ng Brgy. Rivera at basketball court ng Brgy. Progreso.


Sa mga nais sumailalim sa COVID-19 testing, maaring tumawag sa San Juan COVID-19 Hotline 137 135.

Sa huling ulat ng San Juan City Government, umaabot na sa mahigit 200 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments