COVID-19 mass testing sa Cainta, Rizal, libreng isasagawa ngayong araw

Nilinaw ni Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto na libre sa lahat ng mga residente ng Cainta, Rizal ang isasagawang COVID-19 mass screening ngayong araw ng COVID-19 suspect patients.

Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Mayor Nieto na ang isasalang lamang sa mass COVID-19 testing na nasa barangay ay ang may close contact sa isang pasyenteng na may taglay na COVID-19, at ang mga barangay opisyal ang pupunta sa bahay na hinihinalang mayroong sintomas na COVID-19.

Paliwanag ng alkalde, mayroong Mobile Kiosk Test Booth para gawin ang naturang procedure kung saan bitbit nila ang mga nurses at med tech kasama si dating Regional Director at Epidemiologist na ngayon ay Chief Health Officer ng Cainta Health Department na si Doctor Egay Gonzaga para tiyaking tama ang ginagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Cainta, Rizal.


Dagdag ng alkalde kinakailangan mag-text ang mga may sintomas ng COVID-19 sa numerong 0961-260-7696 dalawang oras bago ang inyong schedules, kung saan kinakailangan sa text na ilagay ang pangalan at kumpletong address.

Para sa mga nagtatanong anong gagawin sa kanila ay kukunan sila ng dugo at malalaman nila ang resulta sa loob ng 15 minuto. Pag-positive umano sila ay magsasagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Cainta ng swab test para sa isang confirmatory procedure.

Malalaman pag-positive sila pagdating ng OneCainta Health Office, sa mga hindi naman nakatira sa mga lugar na pagdadausan ng mass screening tumawag lamang sa hotline 0961-260-7696 para sa initial screening at ihiwalay nila ang kanilang iskedyul ng test at pupuntahan pa rin nila kayo.

Giit ni Mayor Nieto kung bakit napili ang naturang lugar na pagdadausan ng mass screening dahil madaming kaso ang nagpositibo gaya nalamang sa San Andres, sa 13 pasyente, 9 ang nasa Greenwoods, sa San Juan naman, nasa 13, pasyente; tatlo ang Greenland at tatlo ang nasa Saint Francis habang ang nasa Sto. Domingo, nasa 16 na pasyente; apat ang nasa Village East at tatlo ang nasa sa Marick. Sa San Roque umano ang sentro at isa lang ang kaso na nagpositibo sa COVID-19 habang ang pinakamarami ang ang Barangay San isidro, na umaabot sa 22 pasyente, lima ang nasa Filinvest at lima sa Vista Verde.

Facebook Comments