Malaki ang posibilidad na maaring “ Local Transmission” na ang nangyari kaugnay sa pagkakakuha ng COVID-19 sa dalawang pinakahuling nagpositibo sa Cotabato City.
Ito ang inihayag ni City Health Officer Dr. Meyasser Patadon sa naging panayam ng DXMY ngayong umaga, matapos magpositibo ang dalawang pulis ng CCPO na wala namang mga travel history.
Ngunit nilinaw ni Dr. Patadon na tanging ang Department of Health pa rin ang makapagsasabi kung ano nga ba ang tunay na kalagayan ngayon ng komunidad may kinalaman sa patuloy na paghahasik ng takot ng Covid-19.
Matatandaan rin aniya na dalawa sa mga nagpositibo , partikular si Patient 9 and 10 sa syudad ay mga kabataan.
Sa ngayon may 13 kaso nan g Covid 19 sa syudad ngunit 6 sa kanila ay nauna ng nakarekober.
Patuloy naman ang pagpapaalala ng City Health sa publiko na ugaliin pa rin ang physical distancing, pagsusuot ng facemask at paghuhugas ng kamay.
OHS Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>