COVID-19 mix and match trials, posibleng magkaroon ng 3,000 participants at isagawa sa walong sites – DOST

Sinisilip ng Department of Science and Technology (DOST) na magkaroon ng 3,000 participants sa walong sites para sa gagawing trials para sa mixing at matching ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Guevarra, ang mga paghahanda para sa isasagawang mix and match vaccine trials ay nagsimula na noong Hunyo.

Ang mga available COVID-19 vaccines ay gagamitin sa naturang trial, kabilang ang AstraZeneca, Pfizer, Moderna, Sputnik V, at Sinovac.


Ang walong proposed sites ay Manila, Pasig, Antipolo, Marikina, Makati, Quezon City, Muntinlupa, Cebu City, at Davao City.

Magkakaroon sila ng meeting bukas, July 15 para pag-usapan ang pagpapatupad ng trial.

Para matiyak ang uniformity at consistency, ang mga indibiduwal na isasalang sa pag-aaral ay ang mga hindi pa nababakunahan.

Facebook Comments