COVID-19 Mobile Phone Survey, sinimulan na ng DOH

Inilunsad na ng Department of Health (DOH) ang COVID-19 Mobile Phone Survey.

Layon nito na maipa-unawa sa mga Pilipino kung paano pinapanatiling malusog ang sarili sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa nasabing survey, mangangalap ng datos kaugnay sa pagkakahawa sa COVID-19, karamdaman, testing at diagnosis, hadlang sa pagsusuri, mitigation practices at non-communicable risk factor.


Available ito sa wikang Ingles at Filipino at maari itong gawin sa dalawang hakbang gamit ang cellphone; Una sa pamamagitan ng text message at 2 sa pamamagitan ng mobile web.

Tiniyak naman DOH sa publiko na magiging confidential at anonymous ang mga tugon alinsunod sa pagsunod sa Data Privacy Act of 2012.

Facebook Comments