COVID-19 Molecular laboratory ng PNP, nag-o-operate na sa maximum capacity

Gumagana na sa maximum capacity ang dalawang molecular laboratory ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame.

Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas, dahil sa mas mataas na testing capacity, nagkaroon na ng ‘early detection’ ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay.

Sa ngayon, 420 test sa isang araw ang nagagawa ng dalawang molecular laboratory ng PNP.


Ito ay 38.74% o katumbas ng 85,623 na mga pulis na ang sumailalim sa test.

Paliwanag ni Sinas, maiuugnay ang bumabang kaso ng COVID-19 sa PNP sa mas pinalakas na testing.

Sa pamamagitan nito ay na-isolate agad at nagagamot ang mga pulis at hindi na nakakapanghawa.

Batay sa pinakahuling tala, 425 na lang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP.

Facebook Comments