Nagbabala ang World Health Organization (WHO) hinggil sa pagkakaroon ng pandemic dahil sa banta ng COVID-19.
Ito ay makaraang umakyat na sa mahigit 100,000 ang mga tinamaan ng sakit.
Pero paglilinaw ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, kahit maging pandemic, mapipigilan pa rin ang pagkalat nito.
Kung magkataon ito, aniya, ang magiging kauna-unahang pandemic sa kasaysayan na kayang makontrol.
Inihalimbawa niya ang sitwasyon sa China kung saan sa higit 80,000 nagpositibo sa virus, higit 70% ang gumaling at nakalabas na ng ospital.
Una rito, sinabi ng WHO na 3.4% lang ng kabuuang bilang ng tinamaan ng sakit ang namamatay.
Facebook Comments