COVID-19, nakatulong sa mabilis na pagpapatupad ng UHC Law ayon kay DOH Sec. Duque

Pinabilis ng COVID-19 pandemic ang implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Law.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, bagama’t ipinakita ng pandemya ang ilang butas at kahinaan ng healthcare system sa Pilipinas, pinalakas nito ang ilang probisyon ng batas.

Binanggit din ni Duque ang One Hospital Command referral system para sa COVID-19 patients ay kailangang mayroong unity sa local at national interventions.


Hindi rin dapat isantabi ng mga ospital ang non-COVID patients.

Sa ilalim ng UHC Law, awtomatikong i-e-enroll ang mga Pilipino sa National Health Insurance Program, na naging batas noong February 2019.

Facebook Comments