Nagsasagawa na ng imbestigasyon sa Tianjin, China matapos magpositibo sa coronavirus ang tatlong samples ng ice cream.
Ang anti-epidemic authorities ay kasalukuyang tinutunton ang mga taong nagkaroon ng contact.
Batay sa initial epidemiological investigations na isinagawa, lumalabas na gumawa ang isang ice cream company ng ice cream batch gamit ang mga raw materials, tulad ng milk powder na inangkat pa mula sa New Zealand at whey powder mula sa Ukraine.
Ang ice cream ay gawa ng Tianjin Daquiaodao Food Company, kung saan higit 1,600 employees ang naka-quarantine at sumasailalim sa tests.
Ang lahat ng mga produktong gawa ng kumpanya ay selyado at nakatago matapos malaman ang positive test mula sa virus ang ice cream noong Biyernes, January 15.
Facebook Comments