COVID-19 One Hospital Command Center, bukas na sa publiko

Handa nang magbigay serbisyo ang COVID-19 One Hospital Command Center matapos itong pormal na bukasan ngayong araw sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang pagpapahiram ng mga pasilidad ng MMDA ay bahagi ng kanilang suporta sa one hospital command.

Target nito aniya na mapababa ang fatality rate ng COVID-19 sa bansa at para hindi na maghahalo-halo ang mild at severe cases ng covid-19 sa mga ospital ng Metro Manila.


Ito rin aniya ang magbabalanse sa mga ospital ng National Capital Region (NCR) dahil malalaman dito kung saang mag-ospital ang puno at hindi pa.

Iginiit niya na hindi ito huli bilang inisyatibo ng pamahalaan sa paglaban kontra COVID-19, dahil lahat aniya na bagong mga iniisyatibo na ipinatutpad ay makakatulong para pag-control ng virus sa bansa.

Maliban kay Garcia, ang COVID-19 One Hospital Command Center ay pinasiyaan nina Secretary Francisco Duque III ng Department of Health (DOH), Secretary Delfin Lorenzana ng Department of Defense (DND), Treatment Czar Leopoldo Vega Undersecretary ng DOH, Secretary Carlito Galvez Jr., Chief Implementer ng National Task Force against COVID-19, at MMDA Chairman Danila Lim.

Facebook Comments