COVID-19 one-week growth rate at reproduction number sa NCR, muling tumaas – OCTA

Nakitaan ng OCTA Research Team ng pagtaas sa COVID-19 growth rate at reproduction number ang National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nakapagtala ang Metro Manila ng average na 435 na kaso kada araw nitong November 8 hanggang 14 mula sa naitalang 404 na kaso noong nakaraang linggo.

Dahil dito, tumaas aniya sa 8 percent mula sa 5 percent ang positive growth rate sa NCR gayundin ang reproduction number o bilis ng hawaan sa 0.52 mula sa 0.37.


Sa kabila nito, tiniyak ni David na walang nangyayaring upward trend o muling pagtaas ng COVID-19 cases sa Metro Manila kahit na tumaas pa ang positivity rate sa rehyion.

Facebook Comments