Hinimok ng Department of Health (DOH) ang public personalities na maging responsable sa kanilang mga pahayag hinggil sa COVID-19 pandemic.
Nabatid na nag-viral nitong weekend si Atty. Larry Gadon matapos sabihing hindi siya naniniwalang epektibo ang pagsusuot ng masks sa paglaban sa virus.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi dapat ginagawang biro ang public health crisis dahil may mga nagkakasakit, may mga namamatay at naaapektuhan ang ekonomiya.
Dapat ding iwasan ng mga personalidad na gumawa ng mga pahayag na magbibigay ng maling impormasyon o linlangin ang publiko.
Mahalaga aniyang magtulungan na lang ang lahat sa panahong ito.
Muling iginiit ni Vergeire na batas sa mga siyentipikong pag-aaral at ebidensya, ang pagsusuot ng mask ay kayang protektahan ang nagsusuot nito ng 85% at kapag sinamahan pa ng face shield ay aabot sa 99% ang ibinibigay nitong proteksyon mula sa sakit.