Dinipensahan ng Malacañang ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “maliit na bagay” lamang ang COVID-19 pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang ibig sabihin ng pahayag ng Pangulo ay hindi panghabambuhay ang pandemya.
Aniya, patuloy na nabubuhay ang bansa sa kabila ng COVID-19.
Dagdag pa ni Roque na kung ikukumpara sa ibang bansa ay mababa ang fatality rate ng Pilipinas.
Iginiit niya na hindi minamaliit ng Pangulo ang hirap na pinagdaanan ng bansa pero nagbibigay siya ng pag-asa sa mga Pilipino na kakayanin natin itong pandemya.
Batay sa report ng World Health Organization noong February 26, ang Pilipinas ay nahuhuli sa Western Pacific Region pagdating sa total cases at total deaths.
Ang Pilipinas ay huling bansa sa Southeast Asia na nagsimula ang vaccination program.