COVID-19 pandemic, hindi maituturing na batayan para magdeklara ng Martial Law ayon sa DOJ

Hindi maaaring maging batayan ng pagdedeklara ng Martial Law ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sa konteksto ng Martial Law, ang ‘invasion’ ay tumutukoy sa pananakop sa bansa ng Foreign Armed Forces.

Tulad din aniya ito ng rebelyon na tumutukoy sa pag-aalsa ng taumbayan laban sa gobyerno.


Giit ng kalihim, sa ilalim ng Konstitusyon, maaari lang magdeklara ng Batas Militar ang Pangulo kung may nagaganap na pananakop o rebelyon na gawa ng tao at hindi ng mga bagay na walang buhay gaya ng virus.

Una rito, sinabi ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo na maituturing na pananakop ang pagpasok at pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments