COVID-19 Pandemic, Malaking hamon para sa bagong Hepe ng PNP Cauayan City

45

Cauayan City, Isabela- Malaking hamon ang pandemya para kay PLTCOL. Sherwin Cuntapay, ang bagong Chief of Police ng Cauayan City.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLTCOL. Cuntapay, nasa 10,000 katao pa lang ang fully vaccinated kontra COVID-19 matapos ang kanyang pakikipagpulong kay City Mayor Bernard Dy.


Aniya, nasa 10% pa lang ang nabakunahan mula sa libu-libong bilang ng Cauayeño na kabilang sa mga babakunahan sa lungsod.

Ilan din sa hamon ng bagong hepe kung paano mahihikayat ang publiko na magpabakuna dahil hindi umano lingid sa kaalaman ng nakararami ang pagtanggi ng iba sa bakuna lalo pa’t kaliwa’t kanan ang isyu sa nasabing mga bakuna gayundin ang kakulangan ng suplay ng bakuna.

Pagtitiyak ng hepe ang patuloy na pagtulong nila gobyerno para sa panawagang magpabakuna ang mga tao at hindi dapat katakutan ang bakuna kundi malaman ang kahalagahan ng bakuna sa isang tao ngayong pandemya.

Samantala, tiniyak naman ng hepe na magdaragdag ito ng pwersa ng pulisya sa mga lansangan upang maging katuwang ng publiko sa anumang hindi inaasahang insidente.



Si PLTCOL. Cuntapay ay dating pinuno ng 2nd Isabela Mobile Force Maneuver Company na nakabase rin sa lungsod.

Facebook Comments