COVID-19 pandemic, nakakasagabal sa pagpapatupad ng polio immunization program

Napabagal ng COVID-19 pandemic ang immunization drive ng pamahalaan laban sa polio.

Sa online forum na isinagawa ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP), sinabi ni Department of Health National Immunization Program Manager Dr. Maria Wilda Silva, nagiging hadlang sa pagpapatupad ng vaccination program ang pandemya dahil na rin sa movement restrictions at lockdowns.

Sinabi ni Silva, ang National Capital Region (NCR) at CALABARZON ay kabilang sa priority areas para sa polio vaccination.


Aminado rin si Silva na nag-iwan ng negatibong epekto ang kontrobersyal na anti-Dengue vaccine na Dengvaxia sa immunization program ng pamahalaan, kung saan natatakot na ang mga tao na magpabakuna.

Tiniyak ni Silva na patuloy nilang ipauunawa at ipababatid sa publiko ang kahalagahan ng pagpapabakuna.

Mula nitong August 25, mayroong 25 kaso ng polio infections sa Pilipinas.

Facebook Comments