COVID-19 pandemic, nakatulong sa mga Pilipino na palakasin ang innovations sa Agham at Teknolohiya – DOST

Naniniwala ang Department of Science and Technology (DOST) na nakatulong ang kasalukuyang pandemya para itulak ang mga innovation sa siyensya at teknolohiya.

Ito ang sinabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña kasabay ng paglalagda ng memorandum of agreement (MOA) sa SciTech SuperHighway Program.

Ayon kay Dela Peña, layunin ng programa na mapabilis at mapahusay ang intellectual property registration ng mga research at innovations na suportado ng kagawaran.


Mas maraming researchers, inventors, investors ang mahihikayat kapag mayroong matatag na IP system.

Maraming Pilipino pa ang pursigidong gumawa ng innovations bunga ng pandemya.

Umaasa si Dela Peña na aangat ang Pilipinas sa Global Innovation Index pagdating ng 2022.

Ang MOA ay nilagdaan ni Dela Peña, Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, at Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) Director General Rowel Barba.

Facebook Comments