COVID-19 pandemic, pinaka mahirap na natugunan sa kasaysayan – DOH

Aminado si Health Secretary Francisco Duque III na ang 2020 ang pinakamahirap na taon sa kasaysayan ng kagawaran dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Duque, hindi lamang sa Pilipinas nagpahirap ang pandemya kundi maging sa ibang mga bansa kasama na ang mga mayayamang bansa.

Isa rin aniya sa nagpahirap ngayong taon ang limitasyon ng global supply chain, gaya ng Personal Protective Equipment (PPE) at testing kits.


Sa kabila nito, ipinagmalaki ni Duque ang mga nagawa ng pamahalaan para makontrol ang COVID-19.

Ilan dito ang pagpapatupad ng minimum health standards, pagpapatayo ng temporary treatment facilities, dagdag na testing laboratories at pagpapataas ng hospital beds para sa COVID-19 patient.

Facebook Comments