Inamin ng Department of Health (DOH) na malayo pang matapos ang COVID-19 sa bansa.
Gayunman, inihayag ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na nasa tamang direksyon naman ang buong mundo sa paglaban sa pandemya.
Ang mahalaga rin aniya ay napapanatili ang mababang bilang ng COVID patients na nasa severe at kritikal na kalagayan.
Ibinalita rin ni Vergeire na ngayong buwan ay napapatili na lamang sa bilang na tatlo ang namamatay kada dahil sa COVID-19.
Ito ay mula sa 17 deaths kada araw noong Agosto.
Sa ngayon aniya ay nananatili ang case fatality rate sa 1.6 percent at hindi naman pumapalo ng 2 percent.
Facebook Comments