COVID-19 patient, patay matapos tumalon mula 3rd floor ng ospital

Vicente Sotto Memorial Medical Center

Tinapos ng isang COVID-19 patient ang kanyang buhay matapos tumalon mula sa ikatlong palapag ng ospital sa Cebu City, Martes ng umaga.

Nangyari ang insidente sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) kung saan ini-admit ang 48-anyos na lalaki.

Ayon kay Major Elisandro Quijano, hepe ng Abellana Police Station, nakita pa ng isang sekyu na nasa labas ng ospital ang pagbasag ng pasyente sa bintana ng kuwartong pinanggalingan nito.


Dali-dali umanong umakyat ang saksi, ngunit hindi na naabutan pa ang biktima dahil nakatalon na ito.

Dagdag ni Quijano, agad rumesponde ang kanilang mga tauhan sa ospital, ngunit hindi pinayagang makalapit sa biktima dahil sa sakit nito.

Blangko naman ang awtoridad sa motibo ng pagpapakamatay ng pasyente.



Nakikipagtulungan na ang pulisya sa pamunuuan ng VSMMC para sa imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments