COVID-19 Patient sa CVMC, Nananatili nalang sa isa ayon kay Dr. Baggao

*Cauayan City, Isabela*- Kinumpirma ng pamunuan ng Cagayan Valley Medical Center na nananatili nalang sa isang pasyente ng covid-19 ang kanilang binabantayan sa ngayon.

Ayon kay Medical Chief Dr. Glenn Mathew Baggao, nananatiling asymptomatic ang nasabing pasyente habang hinihintay ang resulta ng swab test ni PH 3668 at matukoy kung nagnbegatibo na rin ba ito sa nakamamatay na sakit.

Dagdag pa nito na nasa maayos na kalagayan ang nasabing health worker.


Naniniwala din si Baggao na magnenegatibo ang magiging resulta ng swab test ng natitirang pasyente.

Sinabi pa ni Baggao na mayroon na lamang limang (5) covid-19 suspects ang patuloy na binabantayan sa pagamutan.

Panawagan naman nito sa publiko na ugaliin ang pagsunod sa mga ipinapatupad na kautusan upang tuluyan ng mawala ang banta ng covid-19 sa bansa.

Facebook Comments