COVID-19 patient sa San Luis Batangas, nagpakamatay

611

Isang lalaki na positibo sa COVID-19 ang nagpakamatay matapos makaranas ng depression sa Brgy. Calumpang San Luis, Batangas.


Sa ulat ng Batangas Police Provincial Office, alas-8:00 ng umaga noong Sabado (August 8, 2020) natagpuan na lamang nang kanyang anak ang biktima na nakahandusay sa likod nang kanilang bahay.

Pinagsasaksak nito ang kaniyang dibdib.

Naisugod pa ang biktima sa Polymedic Hospital sa Taal, Batangas pero idineklarang dead -on -arrival ng mga doktor.

Sa imbestigasyon ng pulisya natukoy na nakakaranas ng depression ang biktima kaya nagpakamatay, naniniwala rin ang pamilya ng biktima na walang foul play sa pagkamatay nang kanilang kaanak.

Facebook Comments