COVID-19 patients, bawal bumoto ayon sa DOH
Hindi papayagan ang mga pasyenteng positibo sa COVID-19 na lumabas ng isolation facilities o ospital para bumoto sa May 9.
Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, layon nito na maiwasan ang hawaan ng infection sa halalan.
Kaugnay nito, ipinauubaya na ng Department of Health (DOH) sa Commission on Election (COMELEC) ang paglalatag ng mga alternatibong hakbang para makaboto pa rin ang mga positibo sa COVID-19.
Ayon naman kay Atty. Lailani Manuel, Presidente ng COMELEC Employees Union, tanging ang mga may sintomas lamang ng virus ang papayagang bumoto, pero hindi yung mga positibo sa COVID-19 test.
Una nang sinabi ng COMELEC na plano nitong maglagay ng isolation polling places, para sa mga botanteng makikitaan ng sintomas sa araw ng halalan.