COVID-19 patients sa East Avenue, dumami ngayong buwan ng Marso

Dumami ang dinadalang COVID-19 patients sa East Avenue Medical Center (EAMC) ngayong buwan ng Marso.

Ayon kay Dr. Alfonso Nuñez, Spokesperson ng EAMC, halos dumoble ang dinalang pasyente sa kanilang ospital.

Ito’y kung ikukumpara noong nakalipas na dalawang buwan.


Gayunman, hindi pa naman aniya umaabot pa sa critical level ang kanilang bed capacity.

Idinagdag ni Nuñez na problema rin nila na dumarami ang kanilang mga healthcare workers na tinamaan ng COVID-19.

Mas hinigpitan pa ng pagamutan ang safety protocols sa lahat ng areas kabilang dito ang health declarations, pagsusuot ng face masks, social distancing, hand hygiene o paghuhugas ng kamay, regular na sanitization sa mga kuwarto at RT-PCR testing.

Facebook Comments