Bumaba na ang bilang ng COVID-19 admissions sa Philippine General Hospital (PGH).
Sa ngayon, ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario, mula sa all-time hight na halos 350 pasyenteng, nasa 228 na lamang ang naka-admit sa ospital o halos 80% ng occupancy rate nito.
Pero aniya, mayorya sa mga pasyenteng ginagamot pa rin sa PGH ay mga severe cases na nangangailangan ma-admit sa intensive care unit (ICU).
Sabi pa ni Del Rosario, okupado ng mga pasyenteng hindi bakunado kontra COVID-19 ang kanilang ICU.
Habang ang mga bakunadong na-ICU ay may mga matatanda naman o kaya ay may sakit sa puso, diabetes, hypertension at overweight.
Gayunman, dahan-dahan na rin nilang bubuksan ang outpatient department ng PGH pero isasagawa ang konsultasyon sa pamamagitan ng telemedicine.