Posibleng naabot na ng National Capital Region ang peak ng COVID-19.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Butch Ong na bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa NCR.
Kahapon, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 911 na bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon na mas mababa kumpara sa 988 na naitala noong Linggo, July 17.
Pero ayon kay Ong, tumataas naman ang COVID-19 cases sa ilang mga probinsya kung kaya’t nananatiling mataas ang naitatalang arawang kaso nito sa bansa.
Aniya, posibleng sa katapusan ng Hulyo ay magpa-plateau na ang COVID-19 cases sa bansa at matutuloy-tuloy ang pababa nito pagsapit ng una o ikalawang linggo ng Agosto.
Samantala, batay sa datos na inilabas ng OCTA, nasa 12.6% na ang positivity rate sa NCR.
Habang lalo pang tumaas ang positivity rate sa Aklan na umabot na sa 35% mula sa 31.9% noong July 15.
Habang ang Tarlac ay mayroong 27% positivity rate; Pampanga, 23%; Laguna, 22.6% At Nueva Ecija, 21%.