COVID-19 positive rate sa bansa, bumaba ng higit 16%

Bumaba sa 16.74% mula sa 25.22% noong April 2 ang COVID-19 positivity rate sa bansa.

Ayon kay Testing Czar Sec. Vince Dizon, ang pagbaba ng national positivity rate ay bunga ng pagtutulungan ng pamahalaan at ng mga Local Government Unit (LGU).

Maliban dito, bumaba rin sa 17% mula sa 30% ang positivity rate ng National Capital Region (NCR) pero mataas pa rin ito sa itinakda ng World Health Organization na 5%.


“Pero importante rin po maintindihan ng ating mga kababayan, hindi lang po ang testing ang kailangan nating gawin. Ang pinaka-importante, sa tulong ng kooperasyon ng mga kababayan natin eh iyong pagsusuot ng mask, paghuhugas ng kamay, pagdidistansiya at iyong mabilis na pag-a-isolate ay talagang napakalaki po ng naitulong kasama na rin ng pagpapaigting ng ating lockdown sa NCR Plus,” ani Dizon.

Umaasa naman si Dizon na bumaba pa ang positivity rate ng bansa kasunod ng pagpapalawig ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ang positivity rate ay ang dami ng mga nagpopositibo sa COVID-19 mula sa mga tini-test kada araw.

Facebook Comments